Skip to content

Kung wala ka pang 18 taong gulang noong kinuha ang iyong mga larawan na nude, bahagyang nude, o na nasa tahasang sekswal na sitwasyon at naniniwala kang naibahagi o ibabahagi ang mga ito online, puwede mong gamitin ang serbisyong ito. Dapat nasa device mo ang larawan o video.

Hindi, hindi mo kailangang magbahagi ng anumang personal na impormasyon sa amin para gumawa ng hash para sa iyong mga larawan o video.

Hindi, kung ikaw ay wala pang 18 taong gulang, nasa anumang bahagi ng mundo, at lumabas sa mga nude, bahagyang nude, o tahasang sekswal na larawang posibleng naibahagi online, puwede mong gamitin ang serbisyong ito.

Bisitahin ang page ng mga kalahok na kumpanya para tingnan ang listahan ng mga aktibong kalahok sa serbisyong ito. Pakitandaang hindi gagana sa mga naka-encrypt na platform o surface ang teknolohiya sa pag-hash ng larawan at video na ginagamit para sa serbisyong ito.

Oo! Kung may nagbahagi ng nude, bahagyang nude, o tahasang sekswal na larawan o video mo na kinunan noong wala ka pang 18 taong gulang, puwede itong ituring na materyal sa sekswal na pang-aabuso ng bata o pornograpiya ng bata sa ilang hurisdiksyon.

Oo! Kung wala ka pang 18 taong gulang noong kinuha ang larawan o video, puwede mo pa ring gamitin ang serbisyong ito.

Kahit na alam mong ibinahagi ang larawan o video, hinihikayat ka naming gamitin ang serbisyong ito para tumulong na limitahan ang pagkalat ng content. Puwede ka ring gumawa ng ulat sa CyberTipline para sa tulong sa pagpapatanggal ng partikular na larawan o video na iyon o para sa mga karagdagang serbisyo at suporta.

Sa kasamaang-palad, oo. Madalas na naibabahagi online ang mga nude, bahagyang nude, o tahasang sekswal na larawan ng mga tao, anuman ang kanilang edad at background at sitwasyon. Hindi ka nag-iisa sa pagharap nito, at may suportang available sa iyo. Bisitahin ang site na ito para sa higit pang impormasyon at resources.

Isiping parang digital fingerprint ang hash value. Nakakakuha ang bawat larawan o video ng natatanging hash value na tinutukoy ito mula sa iba pang larawan at video.

Hindi, mananatili sa iyong device ang larawan o video mo at hindi ito isusumite bilang bahagi ng prosesong ito. Idaragdag sa listahan ng hash ng NCMEC na magiging available sa mga online platform ang natatanging hash na ginawa mula sa iyong larawan o video.

Gagawing available ang impormasyon sa mga kalahok na online platform na puwedeng i-scan ang mga pampubliko o hindi naka-encrypt na serbisyo ng mga ito para i-detect, alisin, at kung saan naaangkop, iulat ang mga larawan o video na iyon sa CyberTipline ng NCMEC.

Hindi, dahil serbisyong walang pagkakakilanlan ito, walang paraan para abisuhan ka kung matatagpuan ang mga partikular mong file sa pampubliko o hindi naka-encrypt na serbisyo ng isang online platform. Kung gusto mong kumonekta sa NCMEC para sa mga karagdagang serbisyo, at komportable ka sa pagbabahagi ng iyong pangalan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa TakeItDown@ncmec.org.

Hindi, kahit na magagawa ng mga kalahok na online platform na mag-scan para sa iyong larawan o video sa mga pampubliko o hindi naka-encrypt na serbisyo ng mga ito, hindi nito maiiwasan ang pag-upload ng content sa ibang site. Posible ring may limitadong kakayahan ang mga online platform na mag-alis ng content na na-post na sa nakaraan. Kung makita mo ang explicit na larawan mo sa anumang iba pang webpage o page sa social media, iulat ito sa CyberTiplinehttp://www.cybertipline.org/ at puwede kaming makipagtulungan sa iyo para tulungan kang maipatanggal ito.

Kung may mga karagdagang tanong ka o gusto mo ng higit pang tulong, puwede kang mag-email sa TakeItDown@ncmec.org. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga resources available sa iyo, bisitahin ang page ng Mga Resources at Suporta.

Hindi, hindi mare-reverse engineer o magagawa mula sa mga hash value na ibinahagi sa NCMEC ang mga larawan at video.

Una, dapat mong malaman na may tulong at hindi ka nag-iisa. Pinapatakbo ng NCMEC ang CyberTipline – isang online na system ng pag-uulat para sa lahat ng uri ng sekswal na pananamantala sa bata online. Kung may nagbabantang ikalat ang iyong nude na larawan o namba-blackmail sa iyo gamit ito, dapat kang gumawa ng ulat sa CyberTipline, kahit na nagamit mo na ang serbisyong ito para i-scan ang iyong larawan o video at magsumite ng hash. Puwede kang gumawa ng ulat sa www.cybertipline.org o sa pagagamitan ng pagtawag sa 1-800-THE-LOST (1-800-843-5678).