Iba-iba ang anyo ng tulong para sa lahat. Maraming paraan para makakuha ng suporta mula sa National Center for Missing & Exploited Children (NCMEC).
Mga Resources at Suporta
Kung gusto mo ng karagdagang tulong sa pag-aalis ng content online, kasama ang impormasyon tungkol sa direktang pag-uulat sa iba't ibang online platform:
Bisitahin ang MissingKids.org/IsYourExplicitContentOutThere para sa impormasyon tungkol sa iba pang suportang puwedeng ibigay ng NCMEC at para makakuha ng mga step-by-step na tagubilin tungkol sa kung paano direktang makipag-ugnayan sa isang online platform para i-flag ang iyong nude, bahagyang nude, o tahasang sekswal na larawan o video para sa pag-aalis. Paminsan-minsan, puwedeng ito ang pinakamabilis na ruta para maialis ang iyong larawan o video at puwede nitong alertuhan ang platform na gumawa ng ulat sa NCMEC tungkol sa karagdagang mahalagang impormasyon.
Nailabas Ba ang Explicit na Content Mo?
Kung gusto mong mag-ulat ng sinumang nagbabanta sa iyo tungkol sa mga larawang ito o iba pang anyo ng pananamantala online:
Pinapatakbo ng NCMEC ang CyberTipline – isang online na system ng pag-uulat para sa lahat ng uri ng sekswal na pang-aabuso sa bata online. Puwede kang magsumite ng ulat sa CyberTipline, kahit na naisumite mo na ang hash ng iyong larawan o video sa Take It Down. Ginagawang available sa tagapagpatupad ng batas para sa posibleng pag-iimbestiga ang mga ulat sa CyberTipline.
Bisitahin ang CyberTipline ng NCMEC
Kung nasa Estados Unidos ka at gusto mo ng higit pang impormasyon tungkol sa emotional support, mag-click sa ibaba para matuto tungkol sa mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip ng NCMEC.
Kung nasa Estados Unidos ka at gusto mo ng higit pang impormasyon tungkol sa emotional support: Puwede kang mag-click sa ibaba para matuto tungkol sa mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip ng NCMEC. May higit sa isang paraan ng paghingi ng tulong: tumawag o mag-text sa 1-800-THE-LOST (1-800-843-5678) o mag-email sa TakeItDown@ncmec.org at may makikipag-ugnayan sa iyo.
Impormasyon sa Emotional Support