Skip to content

Mahalaga sa Pambansang Sentro para sa Mga Nawawala at Sinasamantalang Bata (National Center for Missing & Exploited Children) (kolektibong “NCMEC,” “kami,” “namin,” o “amin”) ang pagpapanatili ng privacy ng impormasyon mo. Idinisenyo itong Patakaran sa Privacy (“Patakaran sa Privacy”) para magbigay ng impormasyon tungkol sa kung paano nangongolekta, gumagamit, nagpapanatili, naghahayag, at nagpoprotekta ang NCMEC ng impormasyon tungkol sa mga bisita at user ng website ng Take It Down (“Site”). Para sa impormasyon tungkol sa mga pangkalahatang kagawian sa privacy ng NCMEC o tungkol sa NCMEC, mangyaring bisitahin ang aming pangunahing website.

Maa-access mo ang mga partikular na paksa sa loob nitong Patakaran sa Privacy sa pamamagitan ng pag-click sa mga nauugnay na link sa ibaba:

 

Impormasyong Kinokolekta ng NCMEC

Paano Nangongolekta ng Impormasyon ang NCMEC

Paano Gumagamit ng Impormasyon ang NCMEC

Paano Naghahayag ng Impormasyon sa Mga Third Party ang NCMEC

Mga Cookie at Iba Pang Teknolohiya sa Pagsubaybay

Seguridad

Pagpapanatili

Privacy ng Mga Bata

Mga Third Party at Link sa Ibang Website

Mga Pagbabago sa Patakaran sa Privacy na Ito

Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan

IMPORMASYONG KINOKOLEKTA NG NCMEC

Hindi namin kinokolekta nang pasadya ang iyong pantukoy na impormasyon sa Site na ito.

PAANO NANGONGOLEKTA NG IMPORMASYON ANG NCMEC

Kapag nagsumite ka ng naka-hash na bersyon ng larawan sa amin, may itatalagang natatanging digital footprint sa hash na iyon na walang kasamang pantukoy na impormasyon. Hindi namin titingnan at hindi namin magagawang tingnan ang larawan batay sa naka-hash na bersyon ng larawang isusumite mo. Bukod pa rito, kapag isinumite mo ang naka-hash na bersyon ng larawan sa amin, may access kami sa pangalan ng file ng larawan. Para sa kadahilanang iyon, inirerekomenda naming huwag kang magsama ng anumang pantukoy na impormasyon, tulad ng iyong pangalan o petsa ng kapanganakan, sa pangalan ng file mo. Puwede rin kaming mangolekta ng limitadong impormasyon tungkol sa mga pakikipag-ugnayan mo sa website sa pamamagitan ng paggamit ng mga cookie. Para sa higit pang impormasyon sa aming paggamit ng mga cookie, mangyaring tingnan ang seksyon sa ibaba na pinamagatang “Mga Cookie at Iba Pang Teknolohiya sa Pagsubaybay.”

PAANO GUMAGAMIT AT NAGPOPROSESO NG IMPORMASYON ANG NCMEC

Gagamitin lang ng NCMEC ang iyong impormasyon para sa mga layuning inilarawan sa Site na ito, na sa pangkalahatan ay tumulong sa pag-aalis ng mga explicit na larawan sa internet. Hindi kami nangongolekta nang pasadya ng pantukoy na impormasyon mula sa mga user; hanggang sa sakop na isusumite mo ang iyong pantukoy na impormasyon sa NCMEC sa pamamagitan ng pangalan ng file, ipoproseso ang pantukoy na impormasyong iyon para sa mga limitadong layuning tinukoy sa loob nitong Patakaran.

PAANO NAGHAHAYAG NG IMPORMASYON SA MGA THIRD PARTY ANG NCMEC

Puwedeng maghayag ang NCMEC ng impormasyon sa mga sumusunod na third party:

  • Mga Site ng Third Party. Bilang bahagi ng proseso para sa pag-aalis ng naka-hash mong larawan sa internet, ibinabahagi namin ang naka-hash na larawan sa mga platform ng third party na sumang-ayong gamitin ang mga naka-hash na larawan para i-scan ang mga pampubliko o hindi naka-encrypt na site at app ng mga ito para sa mga na-hash na larawan para sa layunin ng pag-aalis ng mga ito sa platform ng third party na iyon. Puwede kang matuto nang higit pang impormasyon tungkol sa mga kalahok na platform na ito sa pamamagitan ng pag-click dito.
  • Mga Provider ng Serbisyo. Puwede naming ihayag ang iyong na-hash na larawan sa mga provider ng serbisyo. Bukod sa iba pang bagay, puwede kaming tulungan ng mga provider ng serbisyo na pangasiwaan ang aming Site, magsagawa ng mga survey, magbigay ng teknikal na suporta, magproseso ng mga pagbabayad, at tumulong sa pagkompleto ng mga order.
  • Tagapagpatupad ng Batas. Puwede naming ihayag ang iyong na-hash na larawan bilang tugon sa mga subpoena, warrant, o utos ng hukuman, o kaugnay ng anumang legal na proseso o para sumunod sa mga nauugnay na batas. Puwede rin naming ihayag ang iyong na-hash na larawan para itatag o gamitin ang aming mga karapatan, dumepensa laban sa legal na claim, mag-imbestiga, umiwas, o kumilos hinggil sa mga posibleng ilegal na aktibidad, pinaghihinalaang panlilinlang, kaligtasan ng tao o pag-aari, o paglabag sa aming mga patakaran

MGA COOKIE AT IBA PANG TEKNOLOHIYA SA PAGSUBAYBAY

Ang mga cookie ay maliliit na text file na inilalagay sa iyong computer o mobile device kapag may binisita kang website. Kung wala ang mahahalagang cookie, hindi magiging maayos ang performance ng website gaya ng gusto namin para rito, at baka hindi namin maibigay sa iyo ang mga serbisyong hinihiling mo. Gumagamit kami ng mahahalagang cookie, na paminsan-minsang tinutukoy bilang mga cookie na “mahigpit na kinakailangan” at kailangan para sa pagpapatakbo nitong site. Naka-configure ang mahahalagang cookie na ginagamit sa Site na ito sa paraang hindi makakakolekta ng pantukoy na impormasyon tungkol sa iyo.

Hindi kami gumagamit ng mga cookie para sa pag-advertise batay sa gawi o iba pang uri ng cookie sa aming website para kolektahin ang iyong pantukoy na impormasyon. Para sa kadahilanang iyon, hindi kami tumutugon sa mga setting na “Huwag Subaybayan” o iba pang nauugnay na mekanismo, tulad ng mga signal sa kagustuhan sa pag-opt out, sa panahong ito.

SEGURIDAD

Nagsasagawa kami ng mga komersyal na makatuwirang hakbang para protektahan ang impormasyon mula sa pagkawala, maling paggamit, at walang awtorisasyong pag-access, paghahayag, pagbabago, o pagsira. Gayunpaman, mangyaring unawaing walang system ng seguridad ang hindi mapapasok. Hindi namin matitiyak ang kaligtasan ng aming mga database, at hindi rin namin matitiyak na hindi mai-intercept ang impormasyong ibibigay mo habang ipinapadala ito papunta at mula sa amin sa pamamagitan ng internet.

PAGPAPANATILI

Nagpapanatili kami ng impormasyon tungkol sa iyo at sa paggamit mo ng aming Site hangga’t kinakailangan ito para maisakatuparan ang aming mga lehitimong pangnegosyong layunin na nakabalangkas sa Patakaran sa Privacy na ito. Nag-iiba ang mga partikular na yugto ng panahon ng pagpapanatili namin ng impormasyon depende sa katangian ng impormasyon at kung bakit kailangan namin ito. Isinasaalang-alang din namin ang minimum na kinakailangang panahon ng pagpapanatili na itinakda ng mga naaangkop na batas, inirerekomenda ng mga pamantayan sa industriya, at nakasaad sa mga kontrata at iba pang legal na obligasyon.

PRIVACY NG MGA BATA

Hindi nangongolekta ang Site na ito ng pantukoy na impormasyon tungkol sa sinuman, kasama ang mula sa mga batang wala pang 13 taon. Kung naniniwala kang hindi namin sinasadyang makolekta ang iyong pantukoy na impormasyon o pantukoy na impormasyon tungkol sa isa pang menor-de-edad, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa 1-800-843-5678.

MGA THIRD PARTY AT LINK SA IBANG WEBSITE

Posibleng maglaman ang aming Site ng mga link sa mga website, content, o mga serbisyong pag-aari o pinapatakbo ng mga third party. Pakitandaang wala kaming kontrol sa mga kagawian sa privacy ng mga website o serbisyong hindi namin pag-aari. Hinihikayat ka naming suriin mo ang mga patakaran sa privacy ng anumang website o application ng third party para sa mga detalye tungkol sa kung anong impormasyon ang kinokolekta at paano ito ginagamit at/o inihahayag.

MGA PAGBABAGO SA PATAKARAN SA PRIVACY NA ITO

Puwede naming pana-panahong i-update itong Patakaran sa Privacy para maipakita ang mga pagbabago sa aming mga kagawian, teknolohiya, mga legal na kinakailangan, at iba pang salik. Kapag may mga ginawang pagbabago sa Patakaran sa Privacy na ito, magkakaroon agad ng bisa ang mga ito sa oras ng pag-post. Hinihikayat ka naming pana-panahong suriin itong Patakaran sa Privacy para sa pinakabagong impormasyon sa aming mga kagawian sa pagpoproseso ng impormasyon. Hanggang sa sakop na nagbabago ang aming Patakaran sa Privacy sa materyal na paraan, pangkalahatang pangangasiwaan ng Patakaran sa Privacy na ipinapatupad sa oras kung kailan ka nagsumite ng impormasyon sa amin ang impormasyong iyon maliban kung matatanggap namin ang iyong pahintulot (isinaad o ipinahiwatig) sa bagong Patakaran sa Privacy kung saan at ayon sa kinakailangan ng naaangkop na batas.

IMPORMASYON SA PAKIKIPAG-UGNAYAN

Kung may mga tanong ka tungkol sa Patakaran sa Privacy, mangyaring makipag-ugnayan sa Tanggapan para sa Legal na Pagpapayo ng NCMEC sa The National Center for Missing & Exploited Children, 333 John Carlyle St, Suite 125, Alexandria, Virginia 22314; numero ng telepono 800-843-5678; legal@ncmec.org.

May kasamang “petsa ng pagkakaroon ng bisa” at “huling petsa ng pag-update” itong Patakaran sa Privacy. Tumutukoy ang petsa ng pagkakaroon ng bisa sa petsa kung kailan nagkabisa ang kasalukuyang bersyon. Tumutukoy ang huling petsa ng pag-update sa petsa kung kailan huling gumawa ng malaking pagbabago sa kasalukuyang bersyon.

 

Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa. Disyembre 30, 2022

Huling Petsa ng Pag-update. Disyembre 30, 2022